![]() |
https://www.google.com.ph/search? |
KAIBIGAN, BFF, BEST, FRIENDSHIP, TROPA etc. Mga salitang madalas mong maririnig sa bawat magkakaibigan. Ano nga ba ang kahulugan ng salitang kaibigan? Bakit tayo may kaibigan? Paano mo masasabing tunay ang isang kaibigan? Ilan sa mga katanungang masasabi mong madaling sagutin pero malawak ang kahulugan.
Para sa akin, ang kaibigan ay isang taong handang tumulong sayo sa oras ng iyong kagipitan. Handang dumamay sayo at tumulong sa oras na kailangan mo sila. Ang isang tunay na kaibigan ay hindi ka iiwan sa kahit anumang tagumpay o pagbagsak mo sa buhay. Sila yung tunay na nagmamahal sayo bilang isang kaibigan at ituturing kang isang kapamilya. Ang isang kaibigan ang magiging kaagapay mo sa tuwing ikaw ay malungot, masaya at sa kahit ano pang dumating na pagsubok sa iyong buhay. Sila ang magiging tagapayo mo sa oras na ikaw ay mangangailangan ng "advice" na maaaring makatulong sa iyong problema. Ito ay ilan lamang sa mga kahulugan ko ng kaibigan.
![]() |
TG Friends |
Isang larawan ng tunay na kaibigan. Dito ako nagsimulang magkaroon ng kaalaman kung ano ba ang kahulugan ng isang tunay na kaibigan. Sa kanila ako natutong lumaban, lumakas ang loob, maging mabuting tao, maging matatag at higit sa lahat magkaroon ng tiwala sa sarili. Tunay silang kaibigan dahil hindi nila ako iniwan kahit sa anumang pagsubok na dumating sa aking buhay.
Sa lungkot man o saya, andyan pa din sila na handang magbigay ng payo upang maibsan ang aking lungkot. Sila ay itinuring kong kapamilya dahil marami akong natutunan sa kanila. Sila ang nagbigay saya sa tahimik kong pagkatao at nagbigay daan upang mas mapabuti ko ang aking sarili.
Iyan ang aking mga tunay na kaibigan.. TG FRIENDS.......